Huling Mensahe – Hambog Ng Sagpro Krew Feat. Miss Dhang

Print Lyrics Print Lyrics

1st Verse:

Mabuti pa ibang lalake mo ika’y napasaya
Kaya kung minsan ang hiling ako nalang sana sila
Tatlong taong ginugol ko sayo lahat baliwala
Tatlong taong sinakripisyo ni wala kong napala
Tatlong taon mo kong niloko sa iyo ay nadala
Tatlong taon ng buhay ko dahil sayo pariwara
Dakila kong pagmamahal dating sayo walang wala
Pag may kasama kang iba nais ko lang ay magwala
Tangina ang saket ni wala kong magawa
Habang ika’y nagsasaya ako nama’y nagluluha
Tanging panulat at papel na lamang ang aking karamay
Sapagkat ang puso ko at isip ko ay magkaaway
Kautusan ng aking isip ay ang kalimutan ka
Ngunit bulong ng puso ko “Sana ay bumalik ka na”
Grabe sobra ang saket sitwasyon napakahirap
Tulungan mo kong limutin kita pakiusap

Chorus:

Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito

2nd Verse:

Makinig ka
dahil sa galit at lungkot kaya ko naipinta
Itong awitin na sinulat sa pula na tinta
Ilalabas ko ang lungkot na matagal ininda
Ng puso na mapagmahal na nilaro mo at winasak
Nagkamali ako ng relasyon ko na tinahak
Masyado lang siguro kita na minahal
Kaya ngayon ang puso ay nasa kritikal
Tanong ko lang ano ba hanap mong di mo nakita sakin
Kung kaya’t puro pagpapanggap ka lang sa istorya natin
Binigay ko ang lahat sinakripisyo ang lahat
Ngunit iba pa rin mahal mo at iba ang mas angat
Inalay ko ang puso ko pati buo kong pagkatao
Nagmuka na ngang tanga sayo ngunit walang nagbago
Kung ano ka pa noon hanggang ngayon ganun pa rin
Kaya pagmamahal ng tulad ko hindi mo napansin
Ang emosyon na sobrang kalungkutang may kasamang galit
Ang aking nadarama dahil mahal pa kita kahit
Mayroon ka ng iba habang ako’y ibinasura
Palibhasa ba mahirap lang ako’t walang itsura
Hinagpis na iniwanan mo sakin lumalala
Gabi gabing lasing umiiyak at nakatulala
Ngunit kailangan tanggapin ko lahat ng katotohanan
Na pagmamahal ko sa iyo walang pinaroonan

Chorus:

Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito

3rd:

Habang nakikinig ka gusto kong malaman mo
Mula nung nawala ka kalungkutan ang kalaban ko
Alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng iba
Bulagbulagan lang ako tila may piring ang mata
Salamat sa tatlong taon mong ako’y pinagtyagaan
Ngayong damdaming ka’y bigat pilit kong pinapagaan
Ito ang pinakamahirap ko na pinagdadaanan
Ang limutin ang babae ko na pinaglalaanan
Ng pagmamahal na tunay na higit sa buhay ko
Ngayon wala na kong anghel kaya balik ang sungay ko
Sadyang mahirap ngang limutin ang ating nakaraan
Pakiramdam ko ang buong mundo sakin nakadagan
At tila lumagapak ng bigla ang langit dito sa kalupaan
Tatlong taon na kasama kita para sayo walang kahulugan
Ang makuntento ka sakin hindi naganap yun ang pinakamasakit don
Pakiramdam ko tuloy gamilyong patalim sa puso ko nakabaon
Sana maging maligaya ka na sa ngayon
At salamat nalang sa lahat binigyan ako kahit na kakaunting panahon
Nakasama kita kahit puro panggap na pagibig ang nadama ko sa iyo
Atlis napadama ko sa iyo na pag ako nagmahal labis at totoo
Alam ko kahit na ilang bote ng alak ubusin sa bawat gabing maginaw
Ay hindi kita malilimutan pagkat hinahanap ng puso ko tanging ikaw
Nasan ka man ngayon aking mahal sana naman tandaan mo ito
Na ikaw pa rin ang syang babaeng saydang hanggang ngayon ay mahal ko (mahal ko)

Chorus:

Paalam na sayo kahit masakit sakin ito
Pagkat pinakita mong pagibig ay di totoo
Ngunit tandaan mo sana ang huling sasabihin ko
Ikaw lang ang minahal ng ganito