Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko – ABS-CBN Christmas Station ID 2013

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 out of 5)
Loading...Loading...

Lyrics

Bawat Pasko’y May dalang himala
Malakas mang ulan ito’y titila
Bubuhos and pagpapala
May kapiling ang nangungulila.

Anu mang lungkot tayo’y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa’t isa’y mayro’ng paglingap
Mga pangarap ngayo’y magaganap.

Laging masaya ang Kuwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo.

Refrain:

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa’yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig.

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap maglilingkod sa’yo
Sa ‘ting himig nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa Kuwento ng Pasko.
Wo-oh-oh-oh-oh
Wo-oh-oh-oh-oh
Kuwento ng Pasko

Mga alaala sa Pasko’y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
Oh umuukit ng malalim.

Ang yaman ng pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan.

Palaging masaya ang Kuwento ng Pasko
Dahil sino ka man may nagmamahal sa’yo
Ngayong kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo.

Refrain:

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap maglilingkod sa’yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig.

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap maglilingkod sa’yo
Sa ‘ting himig nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa Kuwento ng Pasko.

Mabago man lahat sa mundo
Nananatili ang Diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay Hiwaga ng Diyos.

Refrain:

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap maglilingkod sa’yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig.

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap maglilingkod sa’yo (Ikaw at Ako)
Sa ‘ting himig nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa Kuwento ng Pasko.

Repeat Refrain 3x