Mahal Na Mahal Kita – Hambog Ng Sagpro Krew

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading ... Loading ...

Isang beses palang ako na nagmahal ng ganito
Hindi ang isip kung hindi ang puso ang ginamit ko
Sa sobra kong pagmamahal naging bulagbulagan
Ipinagpilitan kahit na ipagtulaktulakan
At imbis na ako ang magalet ako’y nagpakumbaba
Kase nga mahal kita kaya ko yan nagagawa
Hinihingi ko lang naman sayo ay mahalin mo lang
Yun lang naman ang gusto ko eh yun lang
Gano ba kahirap yon di ba napakadale
Kaya kung minsan ang tanong saan ako nagkamale
Pero bilib ako sayo nagawa’t nakuha mo
Biruin mo sa tigas kong to napaluha mo
Siguro sasaya ka lang kapag wala na nga ako
O ayan nangyari na ok ka na ano
Sinundo kita ngunit sa iba ka nagpahatid
At nagmahal ako mali lang minahal ko ay manhid

Chorus:Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat panahon ko sayo
Anong gagawin di mo pinapansin
Hetong damdamin aking paglalambing

2nd Verse:Kahit san ako magpunta ikaw ang naaalala
Dahil daladala ka ng puso ko’t kasakasama
Date tawagan asawa at mine at honey pag sa text
Ngayon tawagan naten ay crossout sa madaling salita ay EX
Dahil ngalan ko jaan sayong listahan inekisan
Para tayong mga ibong pinalaya’t pinalisan
Lumipad ng magkaiba ang direksyon magkalayo
Kaya imposible para satin na muling magkatagpo
Dahil ikaw ay pataas ako’y nanatili sa baba
Gustong sumigaw ng malakas “Bakit to sakin nagawa”
Para makaiwas sa lungkot dinadaan nalang sa tambay
Dahil ang wala ka dito sa tabi ay sinasanay
Iinom ng alak para kahit konti makalimot
Sa nakaraang hanggang ngayon sa isip umiikot
Ngunit babalik muli pag wala na aking tama
Mali palang ibigin ka akala ko ay tama
(Ganito ginawa ko)Kinasama ibang babae para ikaw ay palitan
Pero iba ka sadyang ikaw pa rin binabalikbalikan
Kung sino sino ang kasama pero hindi makuntento
Pagkat parte ka ng buhay kong nawala kaya di na makumpleto
Dadahandahin ko mensahe ko sayo para
Kahit kaunti manlang tumagos to sa puso mong nara
At sana ay sagutin mo ang huli kong katanungan
Bakit mo ako iniwan? Saan ako nagkulang?

Chorus:
Kulang na kulang ba hindi pa ba sapat
Inubos kong lahat panahon ko sayo
Anong gagawin di mo pinapansin
Hetong damdamin aking paglalambing

3rd Verse:

Dito sa mundo ay merong dalawang klase ang mga tao
Una don ang manloloko pangalawa ang naloloko
Malas lang at nagkataon sa pangalawa ako nahanay
Swerte mo sa una ka kaya manaket ika’y nasanay
May mahina may malakas kung may dilim merong liwanag
Ngunit ang nadarama sayo hindi mapaliwanag
Masasabe nyo ba na ako’y tanga’t isang hangal
Mali kayo don ako’y dakila at lubos lang magmahal
Kailangan ba talagang lumuha upang tayo’y tumatag
Eto bang batas sa pagiibigan na tayo’y bawal lumabag
Ang katulad nating tao lang nasasaktan at lumuluha
Dahil sa mga pananakit ng iba mahirap kung humupa
(Pakinggan mo to)
Di lang ako at hindi lang ikaw lahat tayo’y nabiktima
Nang dahil sa pagmamahal tayo’y nagmumukang tanga
Pero hindi yun dahilan para sa aken ka bumawe
Upang sakit ng iyong nakaraan ang paglibangan ako ay mapawe
Uh, inubos ang lahat lahat ng panahon
Lahat ng sakin ay sayo ng lahat dapat alam mo yon
Kulang na kulang ba ha kulang na kulang pa ba yon
Nawa’y madala ka sa awitin damahin mo lungkot ko ngayon
Pero kung sa iba ka masaya masaya na rin ako
Kesa naman sa malungkot ka kapag ako kasama mo
Ito ang mensahe ko sa isang babae ko pinapupunta
Kilala mo kung sino ka