Philophobia – Hambog Ng Sagpro Krew Ft. Ynnah – Hambog Ng Sagpro Krew

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...Loading...

Intro:

“Sa pagmamahal, takot ang nararamdaman dahil ilang beses ka na din naman nasaktan”

1st Verse:

Ang masaktan sa relasyon lagi nalang nararanasan
Kaya ang ganahan sa pagmamahal nababawasan
Sino bang naligayahn nung ang puso’y nahawakan
Kala mo ay iingatan yun pala ay tatapakan
Kung ang gusto lang pala ay saktan mo ko ng lubusan
Eh di sana ay hinamon mo na lamang ng suntukan
Pwede mo kong sikmurahan, dibdiban o sa muka
Sa dami ng pwedeng tamaan bakit ang puso ko pa
Saktan mo na ng pisikal wag lang sana ang emosyon
Pinamuka ang magmahal ng tunay sakin illusyon
Na lamang at wala nang pagasang makayang makalayang
Mapayapang mamalayang di nasayang at wala lang
Ang nasalang at inalang alang na pagmamahalang
Paglalabang buong tapang at handang handang igapang
Nang wala na ngang haharang harang at matanggal ang
Mga hadlang ngunit parang sayo walang walang walang wala lang

Chorus:

Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
Di rin naman magtatagal

2nd Verse:

Sa tuwing nasasawi dinadaan ko sa kanta
Nakanino ang mali nasakin ba o sa kanya
Ginagawa ko ang lahat ganun din daw ginagawa nya
Tanging nagawa nya lang sa mga ex ko makigaya
Nanloloko at nananaket oo ganun sila
Mapagmahal pero hanggang dun lang sa umpisa
Sila’y mahusay pagnakuha’y merong sungay yan ang tunay
Nilang kulay sa pagluha’y nauumay nang mabuhay
Kala ko makakatulong makalimot ang pagtagay
Di pala kaya wala nang gana sa lahat ng bagay
“Maghanap ka nalang ng iba” ang sabe ng mga tropa
Ang sagot ko sa kanila “Ayoko na tol nakaka-phobia”
Sino ba naman kase ang may gusto
Ang masaktan nang masaktan nang masaktan ng husto
Purkit di na ibibigay ang puso ay madamot na
Baka masaktan lang kase ulet nakakatakot na
Ang takot sa pagmamahal sa puso nakabalot na
Nakakasawa nang lumuha at nakakapagod na
Sa numero uno sa listahan ng bigo aabot na
Pinilit kong gisingin puso ko pero naantok na
Kaya naisip ko kapag umibig ay masasaktan
Upang di masaktan wag kang umibig yan ang tandaan
Saking pagiwas sa pagibig hindi to kaduwagan
Pansin ko lang kase sa relasyon ang laban utakan

Chorus:

Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
Di rin naman magtatagal

3rd Verse:

Sa lupit ng kapalaran ako’y di nakaligtas
Ito ang dahilan kung ba’t lumalaki ng matigas
Pero kapag nagiisa wala pa rin palang nagbago
Nandoon pa rin yung taong malambot ang pagkatao
Di maloko ang sarili buhay ko’y naloko na
Ako’y hinang hina na, ayoko na
Saking panlabas ako’y mukang buo at maligaya
Pero saking kalooban ako’y sirang sira na
Utak mo ay nasa ulo puso mo’y nasa dibdib
Unahin mong gamitin yung nasa taas at makinig
Ayoko nang umibig pang muli yan ang huling sagot
Ako ay nagiingat lang sige takot na kung takot
Sakit at galit sating puso di pala natatanggal
Tayo’y nasasanay nalang dito habang nagtatagal
Balang araw pag ang karma ay papunta na sayo
Isa ka na rin sa iiyak dito sa kanta na to

Chorus:

Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
Di rin naman magtatagal

Asero Record© – Hambog Ng Sagpro Krew™

Submitted by: Roy Agcambot