Tayo Pa Kaya – Crazy as Pinoy

Print Lyrics Print Lyrics

Patawad, sa aking mga nagawa
Kung ika’y nasaktan ko wala akong magagawa
Malawak ang yong pang unawa tyak maiintindihan
Ang aking pag alis ay para satin din naman

Di naman tayo pwedeng mabuhay ng puro lng pag-ibig
Kailangang magtrabaho ng mag bago ang paligid
Ayokong Maranasan ang nangyari sa iba
Nung sila’y nagutom na sa hiwalayan napunta

Matitiis mo bang magutom ang ating anak
Matitiis mo bang makita siyang umiiyak
Matitiis mo bang tumirik ang kanyang mata
Kung pambili ng gamot wala kang pera sa bulsa

Kung Hindi Ako Nagpaalam kasalanan ko yon
Itutuwid ko yon pag dating ng panahon
Pero pagdating noon sana’y andyan ka pa
Sa king pag balik (ahh) tayo pa ba ?

[Chorus]
Tayo pa kaya sa aking
Muling pagbabalik sayong piling
May puwang pa kaya sa puso mo
Ang pag-ibig ko

Ang iyong tanong hindi madali Ilang taon ka na bang wala
Kung kailan kita huling nakita Eh hindi ko na nga tanda
Bakit di ka manlang tumawag ? Bat di ka manlang sumulat?
Masdan mo mga mata ko magang maga kaiiyak

Bitak-bitak ang mga paa nang hinahanap ka sinta
Mukha koy d maipinta. Mahal, san ka ba nagpunta?
Basta bigla ka namanlang nawala nang di malaman ng madla
Sila’y mangha pati ba naman ako pati magulang mo ay nabigla

Kumuha ng kandila at nagtirik nag dasal at nanahimik
Kala nila patay ka na at hindi ka na Babalik
Kung anu-anong mga gimik ang ginamit ni madam Ross
Bolang Kristal barahang sakla pati pera kong inipon ay ubos

Ako’y namaos nanawagan sa mga estasyon
Radio Station,Television at MRT Station
Ngayon ang question tayo pa kaya hanggang wakas?
Ubos na ang lakas nang maglaho kang walang bakas

[Repeat Chorus]

Bakit kaylangang malaman mo pa?
Dapat lang na malaman ko pa!
Bakit kaylangang malaman mo pa?

Para malaman kung ano talaga.Nung akoy nawala
May mga balita.Nagtiwala akong di mo magagawa.
Hindi naniniwala sa mga salita
Ang isa sa inyo ay dakilang bakla!

Pare pano ba to kausapin mo to
Wag kang sumabat problema ko to
Bakit ayaw mo ba na akoy sumabat?
Pagkat alam ko na ikaw ay kasabwat

Mabigat ang patatang na binibintang mo
Ikaw ang nawala ikaw ang nagbago
Anung alam mo sa mga naganap?
Nasaan ka nung akoy taghirap?

Bakit di matanggap na ikaw ang mali?
Payag na ako kung tayo uli
Kung kayo na uli paano ako?
Kundi sa kanya kanino ako?

Wag kang magulo manahimik ka jan.
Naiipit ako at naguguluhan
Pag ayaw ng tao ay may dahilan
Kung gugustuhin ay may paraan

Kung ganon totoo ang naririnig ko
Na kayong dalawa mga hayop kayo!
Patawarin nyo ako sa mga nagawa
Di ko gusto na maging bakla

Lahat naman tayo ay merong mali.
Alis muna ako kahit na sandali.
Hayaan nyo munang ako ay magisip
Aming hihintayin ang iyong pagbalik
[Repeat Chorus]
At lumipas man ang panahon, marami mang nagbago
nasaktan kita pero sana akoy patawarin mo